Tuesday, January 1, 2013

Pasasalamat ng Birthday Boy


Tuwing kaarawan ko, gusto ko lagi may BAGO.

Aba, siyempre  birthday ko yata!  Kahit man lang isang beses isang taon, I’d like to have something new ’ika nga.
Kasi ang LIFE, parang DILA yan. Mas nasasarapan kung iba-ibang FLAVORS ang natitikman. Kasi kung laging matamis, nakaka-DIABETES. Kung puro ALAT, sakit sa BATO. Kung puro anghang, nakaka-HEMORRHOIDS (sa Tagalog – almoranas). Kung walang lasa, nakakaumay. At kung mapait?

Wala lang, ang bitter naman ng taong may gusto ng mapait.

Ang bagong gusto ko, hindi naman laging materyal na bagay. Hindi bagong damit, hindi bagong sapatos. Hindi bagong underwear, wallet, cellphone o gadget.

Maaring bagong experience, bagong lugar na pupuntahan, bagong kaibigan, o isang simpleng bagong haircut, o isang komplikadong bagong pagbabago kaya!

Sa birthday ko ngayong taong ito, anu nga bang bago? Hmm… wala na si Dolphy, di ko na siya makakasabay magcelebrate ng birthday. Si Sarah Geronimo nalang.  Di ko man kasing galing magcomedy si Pidol at kasing galing kumanta si Sarah (ehem!), ka-birthday nila ako kaya SWERTE SILA. Hahaha…

Pero narealize ko, okay din naman ang mga LUMA. Panahon at oras lang naman ang pagkakaiba ng kung anu ang bago at HINDI. Anu mang lumang bagay ay minsan naging bago. At darating ang panahon, anumang bagong bagay ay maluluma. Pero yung kung ANO sila, di yun magbabago.

Ang sapatos nung bago, ang purpose niya ay pansapin sa paa. Nung maging luma ba, naging pansapin na sa mukha? Hindi naman ‘di ba?

E pano yung mga dati mong kaibigan na kaaway mo na ngayon? If that is the case, they were never your friends at all in the first place. Lalim! ‘Di ko ma-dig!

Since gusto ko lagi ng bago tuwing birthday ko, at since hindi na bago na lagi akong may bago, ngayong birthday ko, ang bagong gusto ko ay ang mga LUMA. (May sense, ‘di ba?)

Salamat sa luma kong pamilya - ang aking AMA na maka-Ginebra, ang aking INA na maka-Vilma Santos, ang aking KUYA na mahilig sa America’s Best Dance Crew, at ang aking LOLA na mahilig magtanong sa kin kung magkano ang sweldo ko. At kay COMBI, ang aso naming hanggang ngayon ay tinatahulan pa din ako na parang di ako kilala.

We were never the perfect family, but we always practice so I guess our practice makes us perfect. Hahaha
Nah, seriously, we were never the best family and I guess our best wasn’t good enough. Hahaha…

Seryoso na talaga. We were never the best family, but WE are a FAMILY. Sabi nga sa Lilo and Stitch, family means no one gets left behind. You never left me behind.

Salamat sa mga luma kong kaibigang naging kasama ko sa pag-aaral, sa pagsimba, at sa pagtatrabaho, sa Manila, sa Cebu, sa UE, sa UST, sa Caloocan, sa Federal, sa YFC, sa kalye ng Anonas, sa MAKATI, sa Valenzuela, sa Singapore at sa Japan.

Lord, salamat sa Inyo. Salamat sa lahat ng lumang bagay sa buhay ko. Pero kung may darating na bago, choosy pa ba ko? Syempre hindi no.

Sa susunod na birthday ko sana maluma na agad ang lahat ng bago sa buhay ko, dahil kung gayon, ibig sabihin, tumagal sila, nakasama ko sila, nakaramay ko sila, napakinabangan ko sila, at alam ko sa sarili ko na napakanibangan din nila ako kahit papaano.

Sana mabawasan ang bago at dumami ang luma. At ang luma, lumuma pa sana nang lumuma. Basta ang hiling ko, kahit maging antik pa sila sa luma, 'WAG LANG SANA SILANG MASISIRA.

-La Coy, July 25, 2012.

No comments:

Post a Comment