Wednesday, January 9, 2013

Ang Bukas Ay Lagi Pa Ring 24 Hours

May katapusan ang lahat ng pagdurusa.

Tumitigil at nauubos din ang mga luha. Gawa rin sila sa tubig kaya maari rin silang matuyo at mag evaporate.

Ang kalungkutan, parang algebra lang 'yan. Oo maaring mahirapan ka, bumagsak sa ilang quiz,at minsan, maaaring di mo mahanap o masolve ang sagot sa algebraic equations

Pero darating ang panahon, maipapasa mo din ang algebra, kung papaanong malalagpasan mo din ang kalungkutan.

Hindi porke malungkot ka ngayon, ang ibig sabihin ay malungkot ka na din mamaya, bukas o habambuhay.

Ang ngayon ay ngayon lang.

Ang maganda sa buhay, laging may bukas. Hindi nauubos, hindi nagdaramot.

At ang bukas as lagi pa ring 24 oras. Hindi nababawasan. Hindi nagkekwenta na dahil naging ubod ka ng saya ngayong araw na ito, e babawasan ng apat na oras ang araw mo bukas.

Hindi.

Bente kwatro oras pa din. Kumpleto pa din hanggang sa kahuli hulihang segundo.

It o ay kagaya ng kung malungkot ka man ngayon, oo maaaring mabawasan ang mga ngiti mo, ang mga halakhak mo, ang mga gabing masarap ang tulog mo, at ang kinis ng mukha mo. 

Maaari kang maging loner at di na maniwala pa na MASAYA pa din ang buhay.

Pero ang pagkatao mo, hindi mababawasan. Ito ay mas bubuti, mas lalakas, mas tatatag at mas iinam.











No comments:

Post a Comment