Tuwing kaarawan ko, gusto ko lagi may
BAGO.
Aba, siyempre birthday ko yata! Kahit man lang isang beses isang taon,
I’d like to have something new ’ika nga.
Kasi
ang LIFE, parang DILA yan. Mas nasasarapan kung iba-ibang FLAVORS ang
natitikman. Kasi kung laging matamis, nakaka-DIABETES. Kung puro ALAT,
sakit sa BATO. Kung puro anghang, nakaka-HEMORRHOIDS (
sa Tagalog – almoranas). Kung walang lasa, nakakaumay. At kung mapait?
Wala lang, ang bitter naman ng taong may gusto ng mapait.
Ang bagong gusto ko, hindi naman laging materyal na bagay. Hindi bagong damit, hindi bagong sapatos. Hindi bagong
underwear, wallet, cellphone o
gadget.
Maaring
bagong experience, bagong lugar na pupuntahan, bagong kaibigan, o isang
simpleng bagong haircut, o isang komplikadong bagong pagbabago kaya!
Sa
birthday ko ngayong taong ito, anu nga bang bago? Hmm… wala na si
Dolphy, di ko na siya makakasabay magcelebrate ng birthday. Si Sarah
Geronimo nalang. Di ko man kasing galing magcomedy si Pidol at kasing
galing kumanta si Sarah (
ehem!), ka-birthday nila ako kaya SWERTE SILA. Hahaha…
Pero narealize ko, okay din naman ang mga
LUMA.
Panahon at oras lang naman ang pagkakaiba ng kung anu ang bago at
HINDI. Anu mang lumang bagay ay minsan naging bago. At darating ang
panahon, anumang bagong bagay ay maluluma.
Pero yung kung ANO sila, di yun magbabago.
Ang
sapatos nung bago, ang purpose niya ay pansapin sa paa. Nung maging
luma ba, naging pansapin na sa mukha? Hindi naman ‘di ba?
E
pano yung mga dati mong kaibigan na kaaway mo na ngayon? If that is the
case, they were never your friends at all in the first place.
Lalim! ‘Di ko ma-dig!
Since gusto ko lagi ng bago tuwing birthday ko, at since hindi na bago na lagi akong may bago,
ngayong birthday ko, ang bagong gusto ko ay ang mga LUMA. (
May sense, ‘di ba?)
Salamat sa luma kong pamilya - ang aking
AMA na maka-Ginebra, ang aking
INA na maka-Vilma Santos, ang aking
KUYA na mahilig sa
America’s Best Dance Crew, at ang aking
LOLA na mahilig magtanong sa kin kung magkano ang sweldo ko. At kay
COMBI, ang aso naming hanggang ngayon ay tinatahulan pa din ako na parang di ako kilala.
We were never the perfect family, but we always practice so I guess our practice makes us perfect. Hahaha
…
Nah, seriously, we were never the best family and I guess our best wasn’t good enough. Hahaha…
Seryoso na talaga.
We were never the best family, but
WE are a FAMILY. Sabi nga sa Lilo and Stitch,
family means no one gets left behind. You never left me behind.
Salamat
sa mga luma kong kaibigang naging kasama ko sa pag-aaral, sa pagsimba,
at sa pagtatrabaho, sa Manila, sa Cebu, sa UE, sa UST, sa Caloocan, sa
Federal, sa YFC, sa kalye ng Anonas, sa MAKATI, sa Valenzuela, sa
Singapore at sa Japan.
Lord, salamat sa Inyo. Salamat sa
lahat ng lumang bagay sa buhay ko. Pero kung may darating na bago,
choosy pa ba ko? Syempre hindi no.
Sa susunod na birthday
ko sana maluma na agad ang lahat ng bago sa buhay ko, dahil kung gayon,
ibig sabihin, tumagal sila, nakasama ko sila, nakaramay ko sila,
napakinabangan ko sila, at alam ko sa sarili ko na napakanibangan din
nila ako kahit papaano.
Sana mabawasan ang bago at dumami
ang luma. At ang luma, lumuma pa sana nang lumuma. Basta ang hiling ko,
kahit maging antik pa sila sa luma, 'WAG LANG SANA SILANG MASISIRA.
-La Coy, July 25, 2012.